-- Advertisements --
Nagbabala ang UN World Food Programme (WFP) na milyon milyong mga Afghans ang magugutom sa darating na taglamig kapag hindi masolusyonan ang kinahaharap nito na food shortages.
Mahigit kalahati ng populasyon o nasa 22.8 million katao ang mahaharap sa acute food insecurity, habang nasa 3.2 million naman mga bata ang magdurusa sa acute malnutrition.
Sinabi ni World Food Programme (WFP) executive director David Beasley na ang Afghanistan ay kabilang sa nakaranas ng humanitarian crisis.
Nagbibilang na umano sila kung kailan maaaring mangyari ang sakuna.
Magugunitang mula ng makuha ng mga Taliban militants ang kontrol sa Afghanistan, biglang nag-iba ang buhay ng mga residente.