-- Advertisements --
May malaking bilang ng bakuna laban sa COVID-19 ang aasahan ng gobyerno na darating ngayong buwan ng Setyembre.
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez ilan sa mga ito ay ang 12 milyon doses mula sa Sinovac, limang milyon doses sa Pfizer, dalawang milyon mula sa Moderna, isang milyon doses sa Astrazeneca, isang milyon sa Sputnik, tatlong milyon ng hindi pa malamang uri ng bakuna mula sa COVAX facility at isang milyon na donasyon mula sa hindi pa binanggit na brand.
Ang malaking bulto ng nasabing mga bakuna ay ibabahagi sa labas ng Metro Manila.
Tinututukan aniya nila ang nasabing mga probinsiya para mapalakas ang vaccination program ng bansa.
Mayroon din aniya silang negosasyon sa Pfizer, Moderna para mapabilis pa ang pagdating ng mga bakuna.