Nasabat ng mga operatiba ng PNP-CIDG ang milyon-milyong halaga ng mga pekeng seasoning sa ginawang pagsalakay ng mga tauhan ng PNP-CIDG Anti Fraud Unit sa Malabon, Bacoor, Cavite at Maynila.
Ang mga sinalakay ay ang Tianci International Cargo Express/Lucky Javier Santos warehouse sa Platinum Street, Barangay Tinajeros, Malabon City kung saan nakakumpiska ng P3.2 Million na halaga ng pekeng seasoning.
Isang warehouse sa Barangay Niog 3, Molino, Bacoor, Cavite at isang wholesale store sa Blumentritt, Maynila.
Ayon kay CIDG Anti Fraud Unit chief, SSupt. Rizalino Gapas na humingi sa kanila ng tulong ang management ng (Maggi Magic Sarap) kaya’t ikinasa nila ang operasyon.
Ang original na (Maggi Magic Sarap) ay ibinibenta sa P4 kada sachet ngunit sa peke ay P5 bawat tatlong sachet na ibinibenta sa mga bangketa at mapanganib sa kalusugan.