GENERAL SANTOS CITY – Kinasabikan na ang pagpapakita ni Pope Francis sa culmination sa World Youth Day.
Isa ito sa pinaghandaan ng mga pilgrims na nagmula pa sa ibat-ibang sulok ng daigdig na nandoon ngayon sa Lisbon ng bansang
Portugal.
Ayon kay Andrea Josilva, delegado ng bansang Portugal na patuloy ang ibat-ibang libangan habang naghahanda sa misa na pangungunahan mismo ni Pope Francis.
Habang papalapit ang pagtatapos ng nasabing aktibidad maririnig din ang mga misa tampok ang ibat-ibang lengguwahe sa pangunguna ng mga Obispo.
Naging makulay din umano ang pagtitipon ng mga Pinoy sa Portugal matapos makasama si Cardinal Antonio Tagle at iba pang obispo ng bansang Africa at Portugal.
Isa din sa inaabangan ng mga kabataan pati ng mga turista ang vigil kasama ang Santo Papa.
Para kay Sister Josilva importante ang World Youth Day dahil ito ang paraan para ma-encounter ang Diyos at mapalalim pa ang kanilang paniniwala.
Dagdag pa nito na hindi mababayaran ng salapi ang kanilang kaligayahan na personal makita ang Santo Papa.