CAGAYAN DE ORO CITY – Tinutugis na ngayon ng pulisya ang nasa tatlong person of interest (POIs) na umano’y nasa likod nang panloloob ng sa dalawang magkahiwalay na jewerly pawnshops sa loob ng Gaisano Capital Ozamiz sa Purok 3,Sitio Baybay,Barangay Sta Cruz,Ozamiz City,Misamis Occidental.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na batay sa kasalukuyang imbestigasyon ng Ozamiz City Police Station na dumaan sa drainage ang mga salarin na konektado sa foodcourt ng mall.
Binutas rin ng mga salarin ang sahig ng mall hanggang sa puwersahang napasok nila ang Oro Italia Fine Jewelry at GCK Jewelry Shop kung saan nalimas umano ang tinatayang P47 million ng mga alahas at P80,000 na cash-in money mula sa ATM.
Buo ang tiwala ng pulisya na ilang araw na pina-plano ng mga salarin ang pagsagawa ng kremin hanggang sa tuluyang napasok ang nasabing mall.
Magugunitang magbubukas na sana para sa kanilang mga kliyente ang nasabing mga jewelry pawnshop subalit tumambad sa mga ito ang totoong nangyayari kahapon ng tanghali.