-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagsilikas na ang milyun-milyong katao sa Tokyo, Japan dahil sa takot sa magiging epekto ng Typhoon Hagibis.

Pinaalalahanan na ng Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino na naroon sa nasabing bansa na mag-monitor ng weather updates mula sa mga otoridad.

Kanselado na rin ang lahat na mga flights mula at patungo sa Tokyo, Japan dahil sa Typhoon Hagibis na inaasahang tatama ngayong gabi sa nasabing lugar.

Sa ulat ni Bombo International Correspondent Josel Palma, sinabi nito na may isang tao na ang namatay dahil sa pag-landfall ng Typhoon Hagibis sa central Japan.

Pahayag nito, may taglay na lakas ng hangin ang Typhoon Hagibis na umaabot sa 195 kph at ito ay itinuturing na Category 3 Atlantic hurricane.

Sa ngayon, ang bagyo ay tumama na sa gitna at katimugang bahagi ng Honshu, Japan.