-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan na nang paglabag ng Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang arestadong personalidad na nasa likod pagpuslit ng halos 160 gramo ng suspected shabu sa Valencia City,Bukidnon.

Kinilala ni Lt Col John Ray Barazan,commander ng Valencia City Police Station ang mga salarin na sina Jonathan Ian Agdon,25 at Raul Loregas,37 na pawang mga binata na nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa ibinigay na impormasyon ni Barazan sa Bombo Radyo na unang naaresto ang dalawa nang kumagat sa ikinasa na joint PNP’s anti-drug buy bust operation dahilan na nakompiska ang suspected shabu na nagkahalaga ng P1.6 milyon.

Maliban sa ilang malalaking sachets na mayroong laman ng suspected shabu ay nakompiska rin ng mga otoridad ang iba pang mga ebedensiya mula sa mga suspek.

Natuklasan na kapwa baguhan pa ang mga suspek na pumasok sa ganoong kalakaran ng illegal activity dahil wala sa listahan ng PNP ang kanilang pangalan.

Mariing itinanggi naman ng mga suspek na kanila ang mga nakompiska na mga ebedensiya sa kasagsagan ng police operation.