-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapalakas pa sa Kagawaran ng Turismo ang promosyon patungkol sa tourist spots,destinasyon,mayaman ng kasaysayan at kultura ng mga lugar sa Mindanao.

Layunin kasi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr na makuha ng Pilipinas ang pagiging susunod na tourism power house sa rehiyon ng Asya.

Ito ang mensahe na inilatag ni Tourism Secretary Maria Esperanza Christina Frasco patungkol sa opisyal na pagbubukas na tatlong araw na Mindanao Travel Expo 2024 na isinagawa sa Atrium,Limketkai Mall,Cagayan de Oro City kahapon ng hapon.

Sinabi ng kalihim na ito ang dahilan na pinapalakas pa ng husto ng pangulo ang tourism development sa mga lugar ng Mindanao upang mangunguna ang Pilipinas sa Asya.

Aniya,tama lang ang desisyon ng Marcos administration dahil totoo rin naman na ang dami ng mga lugar-pasyalan at masarap tirahan sa Mindanao kaya pangalawang pagkatataon na nila nailunsad ang travel expo sa rehiyon simula 2023 sa Davao City.

Magugunitang naparito ang 17 DOT regional officials at private tourism stakeholders upang makilahok sa travel expo mula Abril 26-28,2024.