-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nag-courtesy call na ang World Food Programme sa Department of Social Welfare and Development-Caraga kaugnay ng kanilang planong magtatayo ng Mindanao Disaster Resource Center dito sa Butuan City.

Pinangungunahan ito nina Country Representative Brenda Barton, Emergency Coordinator Hannes Goegele, Deputy Emergency Coordinator Zia Hassan, at Communication Assistant Haelin Jeon, kasama si World Food Programme-Caraga Head Lourdes Ibarra.

Ayon kay Barton ang mahalaga ay ang pagkaka-isa para sa katuparan ng kanilang proyekto.

Inihayag naman ni Department of Social Welfare and Development Caraga Regional Director Mari-Flor Dollaga na ang budget allocation sa nasabing pasilidad ay maibibigay lamang sakaling andyan na ang mga documentary requirements.

Habang sa panig naman ni Assistant Regional Director for Operations Jean Paul Parajes, nilinawa nitong dahil sa mahigpit na koordinasyon sa Local Government Unit ng Butuan City, ay natakda na ang pagsalin ng titulo ng lupa sa Department of Social Welfare and Development ngayong Disyembre.

Ang Mindanao Disaster Resource Center ay dinisenyo uang may mai-istakan ng mga food at non-food items na magsisilbing command post ng processing, storage at distribution ng mga relief items dito sa Mindanao sa ilalim ng pamamahala ng DSWD.