Dinomina ng mga taga-Mindanao ang nasa higit 40,000 examinees ang pumasa sa nakalipas na Licensure Examination for Teachers (LET), ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Batay sa inilabas na resulta ng PRC nasa kabuuang 41,930 ang pumasa mula sa 157,877 examinees na sumalang noong March 24 schedule ng LET sa buong bansa.
Sa ilalim nito 19,659 0 27.28% ang pasado bilang elementary teacher mula sa 72,054 examinees.
Habang nasa 22,271 o 25.95% ang pumasa bilang secondary teachers mula sa 85,823 examinees.
Sa ngayon pinaghahanda na ng PRC ang LET passers para sa registration ng kanilang professional ID at certificate of registration na magsisimula sa June 4 hanggang June 11 para sa elementary level at June 13 hanggang June 28 sa secondary level.
Samantalang inihahanda pa ng komisyon ang petsa ng oathtaking ceremony ng mga bagon teachers.
(NOTE: Click the link below to download the list of passers)