-- Advertisements --

Humiling sa Korte Suprema ang ilang abogado mula Mindanao at iba pang personalidad na itigil ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, dahil umano sa pagiging depektibo ng reklamo.

Sa isang 114-pahinang petisyon, iginiit nila na dapat ideklarang walang bisa ang Articles of Impeachment.

Ayon kay Atty. Israelito Torreon, ang reklamo ay labag sa Konstitusyon at hindi dapat tanggapin ng Senado.

Pinuna rin nila na hindi isinama sa proseso ang unang tatlong impeachment complaints laban kay Duterte, na may kaugnayan sa umano’y maling paggamit ng confidential funds.

Samantala, sinabi ni Duterte na hindi pa niya iniisip ang pagbibitiw sa puwesto at hindi rin siya dadalo sa paglilitis, dahil pinapayagan umano ito ng batas.