Nababahala ang Department of Health (DOH) sa magtaas ng kaso ng COVID-19 sa Mindanao.
Sinabi ni DOH Epidemiology Bureau OIC Director Dr. Alethea De Guzman na base sa kanilang datus na nagtala ang Mindanao ng mas mataas na bilang ng kaso sa mga nagdaang mga araw.
Mas mataas pa aniya ito kumpara sa maraming lugar sa Luzon kabilang na ang mga nasa National Capital Region.
Nakasaad kasi sa datos na mayroong 64 percent ang itinaas sa Northern Mindanao, 67 percent naman ang itinaas sa Davao Region mayroon namang 53 percent ang itinaas sa Soccksargen, 78 percent ang itinaas sa Caraga at 38 percent growth rate ang itinaas sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ilan sa nakikitang dahilan ng DOH kaya tumaas ang kaso ay dahil sa presensiya ng bagong variant ng COVID-19 at ang pagbabalewala ng mga tao sa ipinapatupad na health protocols.