-- Advertisements --
Itinuturing pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mindanao bilang napakadelikadong lugar sa bansa.
Sa kaniyang talumpati sa harap ng mga bagong halal na mga opisyal sa Malacañang, na hindi pa rin niya masasabing ligtas na ang gumala sa rehiyon.
Mula pa noong Mayo 2017 ay nasa ilalim pa rin ng martial law ang Mindanao matapos ang naganap na paglusob ng ISIS-inspired Maute rebels sa Marawi City.
Ito ay pinalawig pa at magtatapos ang nasabing martial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31 ngayong taon.