-- Advertisements --

Makakaranas ng maulap na panahon na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan ang Mindanao at Palawan ngayong araw ng Linggo.

Ayon sa 4 a.m. weather forecast ng Pagasa, ito ay dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Posible anilang magkaroon ng flash floods at landslides kapag tumindi ang pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay makakaranas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers dahil sa localized thunderstorm.

Nagbabala rin ang state weather bureau sa posibleng pagkakaroon ng flash floods o landslides tuwing magkaroon ng severe thunderstorms.