-- Advertisements --
loren legarda 1

Nanawagan si House Deputy Speaker Loren Legarda sa mga otoridad na magsagawa ng evaluation at retrofitting sa lahat ng istruktura sa buong bansa.

Ito ay kasunod na rin ng serye ng mga malalakas na lindol na yumanig sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Ayon kay Legarda, kailangan matiyak na “earthquake-proof” ang mga tulay, kalsada, ospital at school buildings upang maiwasan ang matinding sakuna kapag magkaroon ng lindol.

Paghahanda na rin aniya ito sa posibleng pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila.

Kasabay nito ay muling umapelaang kongresista ng kahandaan sa lindol, lalo pa at hindi tiyak kung kailan ito tatama.

Kaya marapat lamang aniya na magkaroon ng safety drills at pagkakaroon ng evacuation plan upang sa gayon ay maging handa sa pagtama sa lindol.