-- Advertisements --

ILOILO CITY – Posibleng makansela ang national election ng Vice Mayors League sa Davao dahil sa sunod-sunod na pagyaning ng lindol sa lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kag Lambunao Iloilo Vice Mayor Arvin Losaria, secretary general ng Vice Mayors League Iloilo Chapter, sinabi nito na magkakaroon ng pagpupulong ang national board ngayong araw para mapag-usapan ang kanilang susunod na gagawin.

Pahayag ni Losaria, hindi gusto ng national board na malagay sa alanganin ang seguridad ng mga bise alkalde sa Pilipinas.

Posible rin na sa Metro Manila na lamang gaganapin ang aktibidad para maiwasan ang ano mang trahedya.

Napag-alaman na ang national election sa Vice Mayors League ay nakatakda sanang ganapin sa darating na Nobyembre 11 hanggang 14.