-- Advertisements --

Binatikos ni Cagayan de Oro 2nd District Representative Rufus Rodriguez ang panukalang hatiin sa tatlo ang prangkisa ng Meralco.

Sinabi ni Rodriguez na ang problema sa power supply ang dapat na maging prayoridad at pagtuunan ng pansin.

Ayon sa beteranong mambabatas, na miyembro ng House Committee on Energy and Economic Affairs na duon sa mga nagpapakilalang pro-consumet group dapat bumuo ng solusyon para tugunan ang mataas na singil ng kuryente hindi lamang sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Meralco.

Nilinaw naman ni Rep. Rodriguez na walang problema sa kaniya ang pag kwestiyon sa Weighted Average Cost of Capital (WACC) ng Meralco at ng iba pang power distributors, dahil mag reresolba ito sa matagal ng isyu on the absence of rate reset sa mga regulated entities.

Diin pa ni Rodriguez kung ang WACC amg problema ang logical solution nito ay rebyuhin at magkaroon ng regulator para makumpleto ang rate reset.

Hinamon din ni Rodriguez ang mga nananawagan na hatiin ang prangkisa ng Meralco na sabihin kung sino ang nakikita nilang hahawak sa mawawalang lugar ng Meralco at siya ring titiyak na magkakaroon ng sapat na suplay ng kuryente ang mga ito.

Pinatutsadahan din ng mambabatas ang pagpapakalat ng maling impormasyon gaya ng pagsabi na ang Meralco ang mayroong hawak sa CALABARZON gayong bahagi lamang ng rehiyon ang sinususplayan nito ng kuryente.

Iginiit din ni Rodriguez ang kahalagahan na masiguro ang sapat na suplay ng kuryente sa pag-unlad ng isang lugar.

Sinabi ni Rodriguez na walang problema sa paglalantad ng mga kamalian subalit makabubuti kung pag-aaralan muna ito ng mabuti para mahanapan ng solusyon alang-alang sa interes ng mga konsumer.

Sa kabilang dako, mariing itinanggi ng Manila Electric Company (Meralco) ang walang basehan na alegasyon ni Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez hinggil sa umanoy overcharging sa kanilang distribution utility simula nuong 2012.

Binigyang-diin ng Meralco na wala itong kapangyarihan na unilaterally magtakda ng sarili nitong rates.

Ang lahat ng mga rate na makikita sa mga singil sa kuryente ng mga customer ay inaprubahan ng regulator kasunod ng isang napakahigpit at transparent na proseso ng mga pampublikong pagdinig.