CAGAYAN DE ORO CITY -Napapanahon na pagtugon sa hamon ni Santo Papa Francisco ang paglulunsad ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ng ika-128 plenary assembly nila sa bahagi ng Mindanao region.
Ito ang kasagutan ng Cagayan de Oro Archdiocese ng ilang katanungan kung bakit dinala ng CBCP ang kanilang taunang asembleya sa Cagayan de Oro
ng pinakaunang pagkakataon sa kasaysayan ng Simbahang Katoliko ng bansa.
Paliwanag ni Msgr Perseus Cabunoc,vicar general ng Archdiocese of Cagayan de Oro na pinagbatayan ng mga obispong Katoliko nito ay ang mensahe ni Pope Francis na kailangang lumabas ang mga taong-simbahan sa kanilang hurisdiksyon at kupkupin ang mas malaking numero ng mga Kristiyano na nangangalingan ng pag-aaragang isprituwal.
Sinabi din ng opisyal na isang malaking karangangalan para maging host archdiocese ang syudad sa taunang plenary assembly ng CBCP.
Bagamat kasalukuyang nag-4-day religious retreat ang CBCP bishops sa Bukidnon subalit tiniyak ng city of government of Cagayan de Oro at security forces na all system go na ang seguridad para sa plenary assembly simula Hulyo 5-8 nitong taon.