-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Masuwerteng nailigtas ang isang minero matapos madaganan ng rumaragasang putik ang pinasukan nitong tunnel sa Purok 2, Brgy. Curva sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte kahapon.

Alas-11:00 na kagabi nang maipabatid sa pulisya ang naturang insidente, na kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operations hanggang sa tuluyan nilang nai-ahon sa putikan ang biktima na si Marlon Sibote, 46-anyos, residente ng Purok 6, Brgy Jagupit ng nasabing bayan.

Magugunitang sa mga nakalipas na araw ay patuloy ang pagbuhos ng ulan sa Caraga Region.