-- Advertisements --

Nagbabala ang World Health Organization at Department of Health sa posibleng “mini surge” ng COVID-19 infection sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa kanilang mababang vaccination turnout ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Lalo pa aniya ngayon na nagsimula na ang Ramadan.

Sa ngayon, nasa mahigit 950,000 indibidwal pa lamang mula sa target na 3.5 million populasyon ng rehiyon ang fully vaccinated laban sa virus.

Ang BARMM din ang may pinakamababang vaccination coverage mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Tinukoy ang ilan sa mga pangunahing hamon sa ginagawang COVID-19 vaccination program sa rehiyon ang maling impormasyon na naipapakalat sa social media ng mga anti-vaxxers na nakakapag-discourage sa mga tao sa rehiyon na magpabakuna.

Pangalawang dahilan ay may ilang mga tumatangging magpabakuna dahil na rin sa kanilang cultural beliefs.

Inirekomenda naman ng vaccine czar na magkaroon pa ng karagdagang data encoders, vaccination teams at social media mobilizers sa mga LGUs at national units para mapataas ang kumpiyansa ng mga residente na magpabakuna.

Ipinanukala din ni Galvez na gamitin ang lahat ng masjid at mosques kung saan sumasamba ang mga kapatid na Filipino Muslim bilang covid19 vaccination sites na isasagawa aniya sa buong buwan ng Ramadan.