Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ang petisyong karagdagang arawang sahod sa tatlong rehiyon sa bansa, ang Ilocos Region, Cagayan Valley at CARAGA region.
Kinumpirma ito ngayong araw ng Department of Labor and Employment (DOLE) kasunod ng pag-apruba kamakailan ng RTWPB sa NCR ng P33 increase sa minimum wage ng mga manggagawa sa Metro Manila habang P55 hanggang P110 increase namna para sa mga manggagawa sa Western Visayas.
Magiging epektibo ang taas sahod sa Metro Manila at Western Visayas sa Hunyo 3.
Pinasalamatan naman ni Labor Secretary Silvester Bello III ang wage boards sa Ilocos region, Caraga at cagayan valley na nakinig sa kaniyang panawagan na i-expedite ang pag-review sa kasalukuyang minimum wage at maresolba ang mga paetisyon sa hirit na wage increase sa kanilang hurisdiksyon.
Base sa desisyon ng RTWPB sa Ilocos Region, ang wage increase mula P60 hanggang P90 ay sisimulang ibigay sa dalawa hanggang tatlong tranches.
Sa oras aniya na makumpleto na ang tranches, ang daily minimum wage rate sa rehiyon ay tataas na sa P340 hanggang P400.
Gayundin para sa mga domestic workers sa mga lungsod at first class municipalities, magkakaroon ng P500 at P1,500 buwanag wage increase kung kayat ang bagong monthly wage rate ay nasa P5000.
Sa cagayan Valley region naman, inaprubahan din ang taas sa sahod mula P50 hanggang P75 kung saan inaasahang tataas ang magiging arawang sahod ng P400 hanggang P420.
Sa Caraga region naman, inaprubahan din ang P30 wage increase kung kayat inaasahan na ang bagong daily wage rate sa rehiyon ay aakyat sa P350.
Ayon kay Bello, ang bagong daily minimum wage rate ay magiging epektibo sa oras na maimplementa na ang wage order para sa private establishments at mga mangagawa sa Butuan City at sa provinces ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, at Surigao del Sur