Maaaring kailanganin ng mga commuter sa Pilipinas na maghanda para sa P30 hanggang P35 na minimum na pamasahe sa mga susunod na taon kasunod ng PUV modernization program ng gobyerno.
Sinabi ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na ang mga jeepney operator na sumasang-ayon sa modernization program ay maaaring mabaon sa utang para lamang makabili ng mga bagong unit ng sasakyan.
Ang P30 hanggang P35 na pagtaas ng pamasahe ay maaaring mangyari kahit na mag-extend ang gobyerno ng subsidies o tulong sa PUV sector.
Ngunit ang hindi matatag na tulong sa sektor ay maaaring magresulta sa isang panawagan para sa pagtaas ng pamasahe, na maaaring magresulta sa hanggang P50 na minimum na pamasahe sa loob ng susunod na limang taon.
Nakikita din ng nasabing grupo na magkakaroon rin ng kaunting mga PUVs dahil ang iba ay mabibigo na makapagconsolidate.
Matatandaang ibinasura ng Department of Transportation (DOTr) nitong unang bahagi ng buwan ang mga alalahanin na ang public utility vehicle modernization program ay maaaring humantong sa malaking pagtaas sa pamasahe sa jeep.
Napansin ng ahensya na ilang PUV operators ang nag-consolidate noon pang 2017 at pinananatiling P11 ang boarding fare para sa modernized jeepneys sa loob ng ilang panahon.