-- Advertisements --

Inaprubahan na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A.

Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minum wage earners.

Inaasahang aabot sa humigit kumulang sa anim na milyong mga manggagawa ang magbebenipisyo sa wage hike sa mga lugar ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ang pay hike sa Calabarzon ay ibibigay sa dalawang tranches kung saan ang una ay pagkalipas ng 15 araw sa publication at ang ikalawa naman ay makalipas ang anim na buwan.

Samantala ang RTWPB sa Davao region ay nag-anunsiyo na rin sa pag-apruba ng P47 na taas sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa lahat ng sektor.

Ang resolution ng RTWPB ng Calabarzon at Davao region ay isusumite sa National Wages Productivity Commission para sa pag-review at pag-apruba.

Kaugnay nito, epektibo na rin ngayong araw ang dagdag-sahod na P33 para sa mga manggagawa sa National Capital Region.

Sa bahagi naman Western Visayas o Region 6, epektibo bukas ang wage increase.