-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kasong paglabag sa Sections 5, 11, og 12, Article II sa R.A. 9165 ang kakaharapin ng mag-asawa matapos naaresto sa ginawas drug buybust operation bandang alas 2:15 ng hapon sa nakaraang araw sa Purok-8, Payawan II, Barangay Luna, Surigao City.

Nakilala ang mga nahuli na sina Richard de asis, 44-anyos, isang driver sa mining company at Jessa de asis, 34-anyos, dating nagtuturo sa isang kolehiyo at ngayon ay online teacher na parehong residente sa Purok-1, Barangay Canlanipa, Surigao City.

Base sa impormasyon, ginawa ang buybust operation sa Barangay Cagniog ngunit naka-amoy ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-transaksiyon dahilan sa pagtakas sakay sa isang puting sasakyan na may plate number UGA 777.

Nakikipaghabulan pa ito sa otoridad hanggang na-corner pagdating sa Payawan II, Barangay Luna dahil flat na ang mga gulong matapos bariling ng mga pulis at nakasagasa pa ito ng mga single motor.

Narekober sa operasyon ang 11 plastic sachets sa suspected shabu na may bigat na 23 gramo na nagkakahalaga ng mahigit 156,000 pesos. Kasama sa nakuha ang marked money 30 na tig-iisang libo na boodle money; isang cellphone; isang sasakyan at mga drug paraphernalia.

Iniimbestigahan pa sa ngayon kung may alam ba ang mises sa trabaho ng kaniyang mister lalo nat ang target sa operasyon ay ang mister lamang. Ngunit sa ngayon ay parehong nakakulong sa Surigao City Police Station ang dalawa para sa tamang disposasyon.