Todo ang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na umiiral ang responsableng pagmimina sa bansa sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas ukol dito.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa pagdalo sa Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming sa Baguio City, sinabi nitong walang dudang mahalagang bahagi ang pagmimina sa plano ng pamahalaan para sa ekonomiya.
Sa kabila nito, inihayag ng Pangulo na malinaw din sa kabilang banda na hindi dapat mangyari ang mga masasamang nangyari sa nakaraan dulot ng iligal na pagmimina.
Kaya pagbibigay-diin ng Punong Ehekutibo, enforcement o pagpapatupad sa itinatakda ng mining law ang kailangan.
Sisiguraduhin aniya ng gobyerno na tinutupad ng mga kumpanya ng minahan na kung ano ang kanilang dinatnan bago simulan ang kanilang operasyon sa isang lugar, ay ganoon din ang lagay ng mga ito kapag ito’y kanilang iniwan.