-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nananatili pa sa lungsod ng Masbate ang team ng geologists sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) Bicol kaugnay ng imbestigasyon sa isang minahan na bahagi ng Masbate Gold Project.

Sa panayam ng Bmbo Radyo Legazpi kay MGB Bicol Regional Director Guillermo Molina Jr., una ng inabisuhan na magsusupinde ng operasyon ang naturang minahan upang makita kung nagkaroon ng pinasala sa bahagi ng tailings nito.

Ang tailings ay parang malaking dam na humahawak ng mga dumi na mula sa minahan.

Isusumite naman ang mga nakalap na impormasyon sa Junta Provincial ng Masbate para sa pagtalakay.

Ipipinalisa rin ang mga nakolektang datos para makapagdesisyon kung papayagan nang muli na makapagbukas ng operasyon ang naturang minahan