-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang Minister of Citizenship ng Brazil na si Onyx Lorenzoni.
Sinabi nito, agad itong nagpasuri matapos na makadama ng sintomas noong nakaraang Biyernes.
Uminom ito ng “Covid-kit” treatment isang cocktail of drugs na isinusulong ng ilang mga doktor at maging si Brazilian President Jair Bolsonaro na epektibo umano sa early stage ng novel coronavirus.
Dagdag pa nito na sa pag-inom nito ng azithromycin, ivermectin, at chloroquine protocol ay gumaganda na ang kaniyang pakiramdam.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagpositibo rin sa virus si Bolsonaro at ilang mga officials din nito noong Hunyo.