-- Advertisements --

Arestado ang isang Filipino American na ministro mula sa Iglesia Ni Cristo (INC), na kinilala na si Glennon Salvador Payabyab, na diumano’y nagtangkang makipagkita sa isang 12-taong gulang na batang babae at nagpadala ng hindi angkop na mga mensahe.

Si Payabyab, 43, ay nahuli noong Abril 3 sa Springville, Staten Island, New York ngunit pinalaya siya makalipas ang wala pang 24 oras, na nagdulot ng takot sa komunidad.

Si Liza Vetland, isang kapitbahay ni Payabyab, ay nagbahagi ng kanyang saloobin sa social media, sinabi niyang nararamdaman nilang hindi ligtas ang kanilang pamilya, lalo na’t malapit lang ang bahay ni Payabyab sa kanila

‘He lives down the block from my home. He is always around children,’ ani nito.

Nagpahayag ng pagkabahala si Vetland dahil ang order of protection na hawak nila ay hindi sapat upang maprotektahan ang kanyang anak, na ngayon ay natatakot na maglakad pauwi mula sa paaralan.

Samantala, isang operasyon mula sa Protect Our Children at New York Police Department ang nagresulta sa pag-aresto kay Payabyab matapos niyang magkasundong makipagkita sa bata. Siya ay nahaharap sa kasong misdemeanor ng endangering the welfare of a child.

Ang kaso ay nagdulot ng matinding reaction mula sa mga kapwa INC member, na nagsasabing ‘di ito ay isang isolated case at nananawagan ng hustisya at accountability.