Namahagi ang Ministry of Fisheries, Agriculture and Agrarian Reform o MAFAR Sulu ng iba’t-ibang uri ng fishery inputs para sa mga mangingisda.
Ang naturang pamamahagi ay sa ilalim ng kanilang Fisheries Division.
Sa isang pahayag, sinabi ni Fardia Abduhasad, OIC Chief ng nasabing dibisyon, kabilang sa kanilang ipinamahagi ay mga seaweeds farming inputs,non-motorized banca at mga makina.
Ito aniya ay dumating sa kanilang tanggapan bilang bahagi ng 2022 GAB na nakalaan para sa kanila.
Umabot rin aniya sa sampung makina at labing anim na 16 horsepower ang kanilang ipinamigay sa bayan ng Lugus.
Ito ay bilang tugon na rin sa pangangailangan ng mga mangingisda sa naturang lugar.
Paliwanag pa ng opisyal na sa ngayon ay hindi pare pareho ang bilang ng mga ibinahagi nilang fishery inputs dahil nag focus muna sila sa munisipalidad na mas kinakailangan ng tulong.