-- Advertisements --
Inaprubahan ng Minneapolis City Council ang pagbabayad ng $27 milyon bilang settlement sa pamilya ng napatay na black American na si George Floyd.
Itinuturing na ito na ang pinakamalaking pre-trial settlement na ibibigay sa estado ng Minnesota.
Ayon sa abogado ni Floyd na si Ben Crump na ang settlement ay nagpapakita ng mabigat na mensahe tungkol sa kahalagahan ng black lives.
Mayroong anim sa 12 jurors ang napili para sa pagdinig sa kaso ni Floyd na magsisimula sa Marso 29.
Magugunitang napatay ng mga kapulisan si Floyd matapos na luhuran ng isang pulis ang leeg nito habang inaaresto.
Kinilala ang pulis na si Derek Chauvin na nakakulong at tinanggal na sa serbisyo.