-- Advertisements --

Nakapili na si US Vice President Kamala Harris ng kaniyang runningmate sa halalan sa buwan ng Nobyembre.

Ito ay sa katauhan ni Minnesota Governor Tim Walz.

Ang 60-anyos na si Walz ay US Army National Guard veteran at dating guro.

Taong 2006 ng mahalal siiya sa Republican-leaning district sa US House of Representatives at nagsilbi sa loob ng 12 taon bago mahalal na gobernador ng Minnesota noong 2018.

Naging matagal ng nagsusulong si Walz ng women’s reproductive rights at conservative habang nagrerepresenta sa rural district sa US House.

Sa mga susunod na araw ay pormal ng ipapakilaal ni Harris ang kaniyang running mate.