-- Advertisements --

Nagwagi ang Minnesota Timberwolves sa ginanap na 2020 NBA draft lottery nitong Huwebes (Biyernes sa Pilipinas).

Nadagit ng Timberwolves ang No. 1 overall pick makaraang tapusin ang season sa maalat na 19-45 kartada.

Sinundan sila ng Golden State Warriors at ikatlo ang Charlotte Hornets.

May tsansang makabingwit ng bigating player ang Minnesota sa gaganaping NBA draft sa Oktubre 17 (Manila time).

Kabilang sina Anthony Edwards, LaMelo Ball, at Obi Toppin sa hilera ng mga de-kalibreng manlalaro na mapagpipilian.