Hindi nababahala ang Minnesota Timberwolves sa Game 3 sa Western Conference finals laban sa Dallas Mavericks.
Ito ay kahit na nahaharap sila sa malaking hamon.
Una ay hawak ng Mavericks ang 2-0 na bentahe at pangalawa ay sa homecourt pa ng Dallas gaganapin ang Game 3 at 4.
Sinabi ni Timberwolves star Anthony Edwards na hindi pa sila nag-aalburto dahil sa unang dalawang panalo ng Dallas ay maliit lamang ang kanilang kalamangan.
Ayon naman kay Minnesota coach Chris Finch na sinabihan na niya ang kaniyang mga manlalaro na huwag masyado padala sa emosyon dahil sa naapektuhan ang decision-making nila sa paglalaro.
Sa dalawang laro ay nahigitan ang 7-foot-four time-All-Star Edwards at Rudy Gobert nina Daniel Gafford at Dereck Lively II ng Mavs.
Hindi naman nagkukumpiyansa ang Mavs dahil ayaw nilang maulit ang nangyari noong tatlong taon na ang nakakaraan ng mahawakan nila ang unang mahawakan ang panalo laban sa Los Angeles Clippers subalit sila ay naungusan at nalaglag sa playoffs.