LEGAZPI CITY – Hindi na umano mamonitor ngayon ng Albay Provincial Health Office ang dayuhan na sinasabing may travel history sa Wuhan City, China.
Ito matapos mabatid na nagcheck out at lumipat ng hotel kasama ang tatlong iba pa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Provincial Health Officer Dr. Antonio Ludovice, itinuturing na “unusual” ang naturang dayuhan lalo na nang pumasok sa isang hotel at nakitang inilagay na address ang Wuhan, China.
Ayon naman sa nakausap ng health officials na hotel staff, hindi naman aniya nakitaan ng kakakibang sintomas ang dayuhan.
Apat na magkakasama ang mga ito na nag-ckeck in na kinabibilangan ng dalawang lalaki at dalawang babae.
Hindi naman mabatid ngayon kung saan nagtungo ang naturang mga turista.
Sa kabila nito nangako ang opisyal na hahanapin ang mga dayuhan upang malinawan ang kanilang pangamba.
Maaalalang ang Wuhan City sa China ang itinuturong epicentre ng mabilis na pagkalat ng novel coronavirus.