-- Advertisements --
Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng panibagong minor explosion mula sa summit crater ng Kanlaon Volcano.
Nai-record ito bandang alas-3:11 ng hapon nitong Huwebes, Pebrero 6, 2025.
Tumagal ito ng dalawang minuto batay sa seismic and infrasound records.
Kasunod nito, nakapagtala ng ashfall event sa Brgy. Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental.
Ang mga development ay nakunan ng IP Camera ngunit makapal ang ulap sa lugar nang mangyari ang volcanic activity.
Sa ngayon, nananatili pa rin ang Kanlaon sa Alert Level 3at pinagbabawalan ang mga mamamayan na pumasok sa anim na kilometrong danger zone.