Naitala ang minor injuries at nasirang bahay kasunod ng magnitude 6 na lindol na tumama sa New Bataan sa Davao de Oro, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD).
Sa pahayag ng tagapagsalita ng Office of Civil Defense na si Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, tanging maliliit na pinsala ang kanilang naitala at karamihan sa mga ito ay mga kabahayan.
Aniya, may mga ilang menor de edad ang naapektuhan ngunit hindi pa matukoy ang eksaktong bilang ng mga sugatan sa nasabing lindol.
Ang kuryente, tubig, at komunikasyon naman ay nananatiling wala pa ring supply sa lugar.
Dagdag dito, ang mga apektadong Office of Civil Defense regional offices at local disaster management offices ay kasalukuyang nagsasagawa ng assessment, coordination, at monitoring para sa karagdagang development doon sa lugar.
Una na rito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol, na naganap noong Miyerkules, ay matatagpuan sa lugar ng New Bataan.