-- Advertisements --
Muling nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology(Phivolcs) ng minor phreatic eruption ngayong araw, October 10.
Batay sa report ng ahensiya, nangyari ang phreatic eruption dakong alas-7:21 ng umaga at nagtagal lamang ng ilang segundo.
Makikita sa video footage na kuha ng thermal camera ng Phivolcs na naka-install sa Daang Kastila Observation Station (VTDK) at IP camera sa Taal Volcano Observatory (TVO) sa Brgy. Buco, Talisay, Batangas ang paglabas ng makapal na usok mula sa bulkan kasabay ng bahagya nitong pagputok.
Umabot naman sa 2,800 meter ang taas ng plume mula sa bunganga nito na kinalaunan ay napadpad sa timog-kanlurang direksyon.
Nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang bulkang Taal.