Magaapela si Senate Minority Leader Aquilino Koko Pimentel sa majority bloc ng mataas na kapulungan na huwag madaliin ang pagpapasa ng 2024 General Appropriations Bill (GAB).
Ito ay matapos ihayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na target ng Senado na maaprubahan sa ikatlong pagbasa ang 2024 GAB sa November 27.
Ani Pimentel, na kakausapin niya si Senador Sonny Angara na ayusin ang timeline ng pagtalakay sa panukalang pambansang pondo para magkaroon ng sapat na panahon ang minority bloc na mabusisi ito, lalo na’t dadalawa lang sila sa senado.
Paliwanag ng Senador, maaaring bumaba ang kalidad ng magiging intervention ng senado sa 2024 GAB kung gagawing paspasan ang pag-apruba dito.
imumungkahi rin aniya ng minority leader na sa unang bahagi ng kanilang deliberasyon ay talakayin nila ang panukalang pondo ng mga mahahalaga at kritikal na mga ahensya ng gobyerno.