Hindi naitago ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagpunta ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng plenaryo kaugnay ng panukalang 2025 badyet ng Office of the Vice President (OVP), sa gitna ng mga balita na nagbakasyon ito sa Calaguas Island noong weekend.
Ipinunto ni Libanan ang matagal ng tradisyon nang pagpunta ng mga lider ng mga tanggapan sa mahalagang pagtalakay sa kanilang badyet.
Binigyan-diin ni Libanan ang kahalagahan na makapagbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag ni Duterte kung bakit hindi ito dumalo na lalo umanong naglalagay ng kuwestyon sa pagkakaroon nito ng transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng OVP.
Bagamat mayroon umanong staff member na dumating, sinabi ni Libanan na wala itong written authorization na magpapatunay na pinapayagan itong kumatawan sa OVP.
Iginiit din ni Libanan ang kahalagahan ng pagdinig sa badyet upang matiyak na tama ang paggamit nito.
Kung magpapatuloy umanong hindi pupunta si Duterte ay maipagpapaliban laban ang pagtalakay dito.
Sinabi naman ni Libanan na handa ang minorya na repasuhin ang napabalitang pagbawas sa badyet ng OVP pero iginiit na dapat itong matalakay ng husto.
Sinabi ni Libanan na dapat ding magpaliwanag ni Duterte sa publiko kung bakit hindi ito dumadalo sa pagdinig ng panukalang badyet nito.
Aniya napaka-unusual ito at Sana may maganda at valid explanation siya dahil hindi pa po ito nangyayari at ngayon pa lang ito mangyayari sa ating budget hearing.