Pinagbawalan na manood ng personal mga NBA games sa loob ng isang taon si Golden State Warriors minority owner Mark Stevens at minultahan pa ito ng $500,000 matapos na itulak si Toronto Raptors guard Kyle Lowry sa Game 3.
Humingi na rin ng paumanhin ang Golden State Warriors sa ginawa ni Stevens at ang ipinakitang asal nito ay hindi naaayon sa standard ng kanilang organisasyon.
Tiniyak din ng koponan na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa insidente.
“Mr. Stevens’ behaviour last night did not reflect the high standard that we hope to exemplify as an organization,” bahagi ng statement ng Warriors. “We’re extremely disappointed in his actions and, along with Mr. Stevens, offer our sincere apology to Kyle Lowry and the Toronto Raptors organization for this unfortunate misconduct.”
Una rito naganap ang insidente ng sinubukang iligtas ni Lowry ang bola na lumabas sa court kung saan malapit sa kinauupuan ni Steven.
Nagulat na lamang ito ng bigla na lamang siyang itinulak ni Stevens.
Hindi pa alam ni Lowry na isa sa opisyal ng Warriors nagtulak sa kaniya.
Samantala si Stevens na isang Silicon Valley billionaire at member ng six-man executive board, ay humingi na rin ng paumanhin at tinatanggap ang ipinataw na ban sa kaya ng NBA.