-- Advertisements --
Ipagbabawal ang paglabas ng mga menor de edad sa National Capital Region (NCR) simula Marso 17, sa gitna ng pagtaas ng COVID-19 cases sa rehiyon, ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).
Sa isang statement, sinabi ng MMDA na ang Metro Manila Council ay mayroong binabalangkas nang resolusyon para sa mas mahigpit na mga hakbang.
Ayon sa MMDA, 17 local government units sa NCR ang sakop ng ilalabas na resolusyon na magsasabi na tanging ang mga 18-65 anyos pataas lamang ang papayagan na makalabas ng bahay simula bukas.
Sinabi ni MMDA chairman Benhur Abalos na ginawa ng mga alkalde sa NCR ang desisyon na ito upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19 sa rehiyon.