-- Advertisements --
House Plenary Congress
House of Representatives

Nagsimula na ring mag-ambag ang mga miyembro ng minorya sa Kamara para matulungan ang mga biktima ng serye ng malalakas na lindol sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Sa pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na ilan sa kanilang mga kasamahan ang nag-ambag ng kanilang sahod.

Mayroon din aniya na ilan na masobra pa sa kanilang natatanggap na sahod sa Kamara ang ibinigay bilang donasyon sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa Mindanao.

Ito ay kanila na rin aniyang partisipasyon sa nauna nang “relief efforts” na pinangunahan ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Samantala, nanawagan pa rin si Abante sa mga kapwa niya opisyal ng pamahalaan na magkaisa sa pagpapaabot ng tulong sa mga biktima ng lindol at isantabi na muna ang issue sa politika.