Nanawagan ngayon si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga state-owned enterprises na mag-ambag para maibsan ang binabalikat na pagkakautang ng bansa.
Ginawa ni Pimentel ang pahayag dahil umaabot na sa 30 percent ng proposed P5.268 trillion national budget ng bansa para sa 2023.
Sinabi ni Pimentel, ang bawat isa sa 109 milyong Pilipino ngayon ay may utang ng P119,458.
Ayon kay Pimentel, sayang ang napakalaking debt servicing na magagamit sana sa social at health services.
Batay sa report, ang utang ng gobyerno sa katapusan ng Agusto ay nasa P13.021 trillion na at posibleng umabot sa P14.63 trillion sa katapusan ng 2023.
“Sa 2023, tayo po ay magbabayad ng P1 trillion para sa mga principal ng utang natin at tayo rin ay magbabayad ng P582 billion para sa interest ng mga utang natin,” ani Pimentel.