-- Advertisements --

Pinatumba ni Shane Mosley Junior ang 37 anyos na si ‘Miracle Man’ Daniel Jacobs sa loob ng sampung round.

Sa naging pagtatapat ng dalawa, muling nagpakita si Mosley Jr. ng magandang performance, daan upang makuha ang pagsang-ayon ng mga judges.

Naglabas ang mga judges ng unanimous decision sa laban, 99-91, 99-91, at 100-90, lahat pabor sa 34 anyos na si Mosley.

Sa ngayon ay hawak nito ang Super Middleweight belt, dala ang win/loss record na 22 – 4 na kinabibilangan ng 12 knockout.

Hawak naman ni Miracle Man ang record na 37 wins habang ang nalasap na pagkatalo sa kamay ni Mosley ay ang ikaapat pa lamang na pagkatalo sa kanyang karera. Sa 37 wins nito, 30 ay pawang mga KO.

Si Shane Mosley Jr. ay anak ng 3-division world champion na si Shane ‘Sugar’ Mosley na nakilala rin sa kanyang magagandang laban.

Noong nagretiro ito ay hawak ang 49 – 10 – 1 na record.