-- Advertisements --
Nagkampeon sa Indian Wells tennis si Mirra Andreeva.
Tinalo ng 17-anyos si Aryna Sabalenka 2-6, 6-4, 6-3 sa California desert.
Siya ang pangatlong pinakabatang babaeng manlalaro na nagkampeon sa nasabing torneo.
Sinundan niya sina Martina Hingis noong 1998 at Serena Williams noong 1999.
Nakuha rin niya ang kampeonato sa Dubai Open noong nakaraang dalawang linggo.
Ikinatuwa ng marami dahil sa bukod sa pinasalamatan nito ang mga fans, pamilya at coaching team ay pinasalamatan nito ang sarili.