Nanindigan ang Commission on Elections na mananatiling service provider ang South Korean firm na Miru Systems para sa pagdaraos ng 2025 midterm elections.
Ito ay sa kabila pa ng inihaing reklamo laban kay chairman George Garcia at 7 iba pang mga opisyal na inakusahan ng manipulasyon sa bidding.
Paliwanag ng poll body hindi kinatigan ng Korte Suprema ang kahilingan ng complainant na temporary restraining order laban sa P18 milyong kontrata ng komisyon sa Miru Systems.
Kaugnay nito, tuluy-tuloy ang paghahandang ginagawa ng Comelec para sa halalan sa susunod na taon.
Samantala, nakatakdang ilabas ng poll body ang mga panuntunan para sa paghahain ng kandidatura sa mga susunod na linggo. Batay kasi sa calendar ng mga aktibidad ng Comelec para sa 2025 elections, sisimulan na ang filing ng Certificate of Candidacy sa Okutubre 1 hanggang 8 ng kasalukuyang taon.
Kasabay nito ang paglalabas ng listahan ng mga tatakbo para sa lahat ng posisyon sa buong bansa sa website mismo ng Comelec.