-- Advertisements --

Kinundena ng South Korean technology firm na Miru Systems ang mga alegasyong ibinabato sa Commission on Elections ukol sa umano’y natanggap na milyon-milyong bribe money.

Tinawag ng Miru ang mga naturang alegasyon bilang ‘baseless’ at ‘careless’ at sumisira sa reputasyon nito.

Ginawa umano ang mga naturang isyu upang guluhin ito at ang Comelec sa paghahanda para sa 2025 elections.

Ayon pa sa ahensiya, isa itong seryosong alegasyon na hindi dapat isinapubliko nang walang ebidensiya

Nangako rin ang Korean firm na makikipag-cooperate ito sa pamahalaan ng Pilipinas at kahit anong government agency na maaaring magsagawa ng imbestigasyon ukol dito, kasama na ang posibleng legal action.

Wala umanong ibang relasyon ang Miru at ang Comelec maliban sa ‘professional relationship’ na pinapanigidan ng dalawa.

Sinabi rin ng naturang kumpanya na nagawa na nitong makapagbigay ng magandang serbisyo sa mga halalan sa nakalipas na 25 taon, kasama na dito ang nakalipas na limang presidential elections sa South Korea.

Pagsisiguro ng kumpanya, mananatili ang commitment nito sa paggawa pa ng dagdag na automated counting machines at iba pang magagamit sa nalalapit na halalan para maiyak ang maayos na botohan sa 2025.