Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kahapon ang mga opisyal ng gobyerno at mga Waraynon sa pagdalo sa isang banal na misa upang parangalan ang alaala ng hindi malilimutang pagdalaw ni Pope Grancis sa Tacloban noong Enero 17, 2015.
Idinaos ang misa sa tarmac ng New Daniel Z. Romualdez Airport, ang kaparehong lugar kung saan nagdaos ng misa si Pope Francis noong 2015.
Ayon kay Speaker Romualdez ang pagbisita ng Santo Papa ay nagbigay hindi lamang ng pag-asa kundi ng lakas sa mga mamamayan ng Eastern Visayas upang makabangon mula sa pinsalang dulot ng Super Typhoon Yolanda.
Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni Msgr. Ramon Stephen Aguilos bilang pangunahing tagapagdiwang, kasama sina Rev. Fr. Mark Ivo Velasquez, Rev. Fr. Paulino Cabahit Jr., Rev. Fr. Engelbert Tiu, Rev. Fr. Goldie Kenn Zabala, Rev. Fr. Aldwin Roy Cabelin Nartea, at Rev. Fr. Michael Kirby Lauron bilang mga co-celebrants.
“Pope Francis gave us more than hope. He showed the world how to lead with compassion. He stood with us not just as a Pope, but as a father to the suffering. His presence gave us strength to rise. He gave us the courage to begin again. When we felt forgotten, he remembered. When we were broken, he came to bless the brokenness. That is something no people ever forget,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ng mga dumalo na ang Misa ay hindi lamang okasyon ng pagdadalamhati kundi isang pag-alaala sa isang pinunong espiritwal na nakisama sa mga dumaranas ng pagdurusa, namuno nang may kababaang-loob, at nagpakita sa mundo ng isang makapangyarihang halimbawa ng awa.
Kasabay ng libing ng Santo Papa sa Roma, ginunita naman ng mamamayan ng Eastern Visayas ang ika-sampung anibersaryo ng kanyang pagbisita nang may pusong puno ng paggunita at isang pangakong hinding-hindi nila malilimutan ang lalaking nagdala ng liwanag sa kanilang pinakamadilim na oras.
Ang Misa na nagsimula alas-3:00 ng hapon ay nagsilbing parehong pag-alala at pasasalamat para sa Kanyang Kabanalan, na naghatid ng malasakit at kaaliwan noong panahong pinakamalaki ang pangangailangan ng rehiyon.
Ang nasabing misa ay dinaluhan g mga pinuno ng simbahan, mga lokal na opisyal, mga survivor ng Yolanda, at mga residente ang tribute, marami sa kanila ang minsang sumuong sa sama ng panahon sampung taon na ang nakalilipas upang makita si Pope Francis, na nagpumilit ipagpatuloy ang kanyang pagbisita sa kabila ng masamang panahon.