-- Advertisements --
Dinaluhan ng ilang libong mga Katoliko ang kauna-unahang misa na isinagawa ng Sri Lanka matapos ang madugong Easter Sunday bombing.
Bantay sarado ng
mga sundalo at mga otoridad ang St. Theresa church sa Colombo.
Bawat pumapasok ay mahigpit na kinakapkapan para matiyak na walang anumang dalang bomba.
Magugunitang aabot sa 258 katao ang patay matapos ang naganap na pambobomba na iniuugnay ang suspek sa ISIS.