CAGAYAN DE ORO CITY – Nangunguna sa mayroong mataas na panibagong kaso ng Immunodeficiency Virus-Acquired Immunodeficiency Syndrome (HIV-AIDS) sa Northern Mindanao region ang Misamis Oriental kasama ang mismong syudad ng Cagayan de Oro.
Batay ito sa inilabas na data ng Department of Health -10 kung saan mula 143 na running counts ng mga bagong nahawaan ng sakit mula Enero hangtod Hunyo 2024 ay 67 rito ang nagmula sa probinsya at nitong syudad.
Sinabi ni Dra. Wellaflor Brito ng Department of Health 10 na nangnguna pa rin na pinagmulan ng HIV-AIDS transmission ang male to male sexual activities.
Sumunod na mayroong mataas na panibagong kaso ng sakit ang Bukidnon na nagtala ng 43 habang sinundan ng Lanao del Norte na natala ng 19;12 mula Misamis Occidental at dalawa lang sa Camiguin.
Batay sa data,simula lumaganap ang HIV-AIDS sa bansa taong 1991, hindi rin nagpahuli ang Northern Mindanao na nakapagtala na ng 3,429 kompirmadong mga kaso kung saan halos 100 sa mga ito ang binawian ng buhay.